Palaboy at lasenggong German national, natagpuang patay

Natagpuang patay ang isang palaboy at lasenggo na German national habang nakahiga sa isang lamesa malapit sa Barangay Hall ,kamakalawa ng madaling araw sa may United Nations Avenue corner Alhambra St., .Ermita, Maynila.

Kinilala ni PCpl Errhol Aguila,imbestigador ng Manila Police District -homicide section,ang biktimang si Tomas Wallraf,nasa edad 60-70 at nanunuluyan sa bisinidad ng Barangay 666.


Ayon sa imbestigasyon, alas-2:30 ng madaling araw nang makita ni Danilo Parilla, barangay tanod,ang biktima na nakahiga sa lamesa at nakaharang pa ang para sa daraanan.

Nang lapitan ni Parilla ang biktima para gisingin, laking gulat niya nang hindi na ito kumikilos at malamig na ang katawan.

Diumano, may apat na taon nang nanunuluyan sa barangay ang nasabing dayuhan at namamalimos na lamang ito para may isustento sa kanyang bisyong pag-inom.


Huli umano nakitang buhay ang biktima alas- 10 ng gabi habang umiinom ng alak. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like