Latest News

PAGTUTUROK NG IKALAWANG BOOSTER SHOT, LUMARGA NA

NAG-UMPISA na nitong Lunes ang pamahalaan ng pagbibigay ng ikalawang booster shot sa mga taong may ‘comorbidities’, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang ‘rollout’ ng ikalawang booster o ikaapat na dose ng COVID-19 vaccine ay isinagawa kahapon sa sa Metro Manila partikular sa Philippine Children’s Medical Center, Tala Hospital, Valenzuela Medical Center at ilang piling venue sa Makati City.

“DOH- CHD [Center for Health Development] Metro Manila shares that administration of the second booster will begin today April 25, 2022 for immunocompromised individuals in different vaccination sites of the NCR,” pahayag ng DOH.


“More vaccination sites will start administering 2nd boosters as the days progress,” dagdag nito.

Target ng National Vaccination Operations Center (NVOC), na makapagturok ng 690,000 doses sa mga kuwalipikadong indibidwal na ‘immunocompromised’.


Inisyal na nais maabot ng kanilang operasyon ang 1-2 porsyento ng 690,000 o nasa 7,00-13,000 indibidwal. Ipinauubaya rin nila sa mga lokal na pamahalan ang pagpapalawig ng rollout nito.

Bukod sa mga “immunocompromised”, maaari ring makakuha ng kanilang ikalawang booster ang mga senior citizen at mga healthcare workers. Pero sa kasalukuyan, tanging mga taong may ‘comorbidities’ muna ang isasalang dito. (Jantzen Tan)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read