Pagtatatag ng Center for Disease Control and Prevention at Vaccine Institute, sinuportahan

SUPORTADO ng Department of Health (DOH) ang plano ng administrasyong Marcos sa pagtatayo ng Center for Disease Control and Prevention at Vaccine Institute na pangmatagalang health program laban sa mga susunod pang uri ng pandemya.

Sa pahayag kahapon, sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipatutupad ng ahensya ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inihain niya sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, partikular ang pag-ahon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.


Sa desisyon ni Marcos na huwag na muling magpatupad ng anumang lockdown at pananatili na lamang ng COVID alert system, sinabi ng DOH na ang pokus nilangayon ay ang pagsagip sa buhay ng tao at proteksyon sa kabuhayan.

“In line with the President’s statements in yesterday’s State of the Nation Address, there are no plans to execute any further lockdown measures moving forward in the pandemic,” ayon kay Vergeire.

Sa halip, tututok ang DOH sa koordinasyon at paglalagay ng kanilang mga resourdes sa pagpapalakas pa ng healthcare systems na dapat ay laging handa sa anumang kaso ng COVID at non-COVID.


Sa ngayon, nananatiling nasa low risk ang hospital admission sa bansa kung saan ang severe at critical cases ay nasa 8.69% lamang ng kabuuang admission nitong Hulyo 26.

“We are grateful that President Marcos sees the true value of vaccination, especially as we must maintain a strong wall of immunity against COVID-19,” saad naman ni OIC-Undersecretary Beverly Lorraine Ho, ng Public Health Services Team. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like