Latest News

Pagtaas ng maritime traffic matapos ang long weekend dahil sa BSKE at Undas, pinaghahandaan na ng PCG

By: JANTZEN ALVIN

Pinaghahandaan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong weekend.

Ito’y dahil pagtatapos na ng mahabang bakasyon dahil sa katatapos na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.


Ayon kay PCG spokesperson Armand Balilo, inaasahan na nila ang pagtaas ng maritime traffic sa buong bansa dahil sa pagbiyaheng muli ng mga kababayan nating nagbakasyon nitong long weekend.

“Ini-expect natin na nag-extend iyong mga kababayan natin ng bakasyon. Dire-diretso na ito hanggang over the weekend. Kaya ini-expect natin na weekend pa magkakaroon ng pagtaas ng maritime traffic sa buong Pilipinas,” ani Balilo, sa panayam sa radyo.


Nabatid na simula pa noong Oktubre 25 ay naka-heightened alert na ang mga PCG districts, stations, at substations dahil sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan na magsisiuwian sa kani-kanilang mga lalawigan.

Mananatili namang nakataas ang naturang alerto hanggang sa Nobyembre 6, Lunes.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read