Latest News

Pagtaas ng kaso ng COVID -19, dahil sa ‘Arcturus subvariants’

By: Philip Reyes

Nagpahayag ng paniniwala ang OCTA Research Group na posibleng may kinalaman ang Arcturus Omicron subvariant XBB. 1.16 sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukiyan.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, sa pinakahuling datos ay lumitaw na ang seven- day positivity rate sa Metro ay tumaas sa11.4% .mula sa 7.5% noong nakalipas na linggo.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng tao na nag-positibo sa COVID 19 sa kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nagpasuri .

Samantala, kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na nakarekober na ang unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16, na kilala bilang Arcturus.

Ayon sa DOH ang unang naitalang kaso ng Arcturus ay mula sa Iloilo at ito ay asymptomatic.

Sinabi ng DOH na ang pagka-detect sa XBB.1.16, isang variant na mino-monitor ng World Health Organization (WHO) at European Center for Disease Prevention and Control (ECDC) ay base sa pinakahuling genome sequencing mula Abril 12 – 17.

“The Arcturus variant, or XBB.1.16, is a sublineage of the Omicron, which has the ability to evade immunity and is said to be more transmissible,” ayon sa DOH.

Ito umano ay na-detect na sa 33 bansa pero wala naman naiulat na malalang kaso ng Arcturus sa mga bansa na mayroon nitong mga kaso.

“There may have been slight increases in bed occupancy in India and Indonesia, but levels are still much lower compared to the effects of the previous variants. Overall, risk assessment is said to be low,” dagdag pa ng DOH.

Hindi pa kinukumpirma ng WHO kung kasama sa sintomas nito ang “sticky eyes” o conjunctivitis.

Nanawagan naman ang DOH sa publiko na magsuot ng facemask, mag -isolate kung may sintomas at magpabakuna para sa proteksyon.

“Aside from the known flu-like symptoms of COVID-19, other symptoms may vary from case to case, and studies are continuously ongoing on what effects the virus may entail. What is important is that cases remain manageable,” pahayag ng DOH.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read