Muling kinakitaan ng OCTA Research Group ng trend sa pagtaas ang mga kaso ng COVID19 sa halip na makita na naabot na ang peak nito ngayon linggo.
Ayon kay OCTA fellow Guido David na ang positivity rate ay umangat sa 14% nitong Hulyo 20 kumpara sa 14% sa tatlong araw na nakalipas.
“We are seeing an increasing trend again, and projecting 1,100 in the NCR and 3,000 nationwide today,”ayon sa tweet ni David.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage nang nasuri at nagpositibo anv resulta.
Nabatid na ang World Health Organization (WHO) ay nagtakda ng positivity rate benchmark na mas mababa sa 5%.
Ayon sa OCTA ,ang positivity rate sa Metro Manila ay tumataas muli taliwas sa unang projection na maabot.na.ang rurok ng mga kaao ng COVID19 ngayon linggo.
Una nang tinaya ng OCTA na malapit na ang “endgame” ng COVID-19 sa Metro Manila dahil sa downtrwnd ng mga kaso.
Sanhi nito ,hinikayat ng OCTA anf Publiko na magpabakuna at magpa booster para sa kanilang proteksiyon. (Philip Reyes)














