Pagsusuot ng face-mask, mandatory pa rin sa mga tren ng LRT, MRT, at PNR

By: Carl Angelo

Nananatili pa rin umanong mandatory ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng tren ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR).

Ito ang ipinaalala ng Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo, kasunod nang pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ayon sa DOTr ,istrikto pa rin nilang ipinatutupad sa loob ng mga tren ang pagsusuot ng face mask bilang preventive measure laban sa pagkalat ng COVID-19.

Mandatory rin anito ang pagsusuot ng face masks sa loob ng mga istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3, ngunit opsiyonal naman sa mga istasyon ng PNR, dahil ang mga ito ay open air spaces naman.

Nanawagan rinang DOTr sa riding public na magpaturok na ng kanilang COVID-19 second booster shot, upang madagdagan ang kanilang immunity laban sa virus.


Una nang inianunsiyo ng Department of Health (DOH) na nakapaglabas na ito ng bagong guidelines para sa second booster shots na ipagkakaloob sa general adult population.


Tags: Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), Philippine National Railways (PNR)

You May Also Like