Latest News

PAGSUSPINDI NG FACE-T0-FACE CLASSES DAHIL SA SOBRANG INIT, PUWEDE, AYON SA DEPED

By: Jaymel Manuel

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na pinahihintulutan nito ang pagsususpinde ng face-to-face classes sa mga paaralan sakaling sobra ang init ng pahaon dahil sa El Niño.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Bringas, ito ay kasunod ng pagsuspindi ni Bacolod Mayor Albee Benitez ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa mga unibersidad sa kanilang lugar, kasunod ng forecast ng PAGASA na magkakaroon ng mataas na heat index sa Marso 11 at 12, 2024.

Sinabi ni Bringas na noong nakaraang taon ay nagkaroon na rin ng ganitong mga insidente at naglabas na rin sila ng direktiba sa mga field offices na sa panahon ng mataas na heat index ay maaaring magsuspinde ng face-to-face classes.


Hindi naman aniya ibig sabihi na matitigil ang pag-aaral ng mga bata dahil awtomatiko namang magdaraos ng modular distance learning ang mga paaralan kung walang face-to-face classes.

Ang mga local government officials at mga school heads ay maaring mag-deklara ng class suspension depende sa heat index forecast ng PAGASA.

Tags: Department of Education (DepEd)

You May Also Like

Most Read