Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang naunang desisyon ng Court of Appeals ( CA) na kumakatig sa desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC) laban sa isang accountant na sinibak sa trabaho ng pinapasukang kumpanya dahil sa paggamit sa payroll para sa paluwagan na para sa kanyang sariling interes.
Sinabi ng SC na ang pagkawala ng tiwala kay Claudia Clemeña Varquez bilang accountant ng Rider Levett Bucknall, Phils. Inc. (RLBPI) ay valid dahil sa ilalim ng Article 297 ng Labor Code “fraud or willful breach of trust bestowed by the employer as the employer’s representative”.
Ayon sa SC, para mapagtibay ang dismissal, ito ay ibabase sa pagkawala ng tiwala at dapat na matugunan nito ang dalawang kondisyon— una, dapat na ang tinutukoy na empleyado ay humahawak ng posisyon na pinagkakatiwalaan at dapat na mapatunayan ang pagkawala ng tiwala.
Una umanong dumulog si Clemeña Varquez sa NLRC at nang hindi mapagbigyan ang petisyon ay iniakyat niya ito sa CA hanggang sa makarating sa SC.
Ayon sa SC, ang paggamit ng payroll ng kumpanya noong 2005 para sa pansarili ay naging dahilan ng pagkawala ng tiwala sa kanya at ito ay maaring gamitin basehan para siya ay valid na madismiss sa trabaho.
Nabatid na si Varquez, bilang chief accountant ng RLBPI, ay responsable sa pag-check ng semi-monthly payroll, paghahanda ng check vouchers at sales invoices, at umaakto bilang cash custodian ng kumpanya.
Gayunman, kalaunan, si Varquez ay naitalaga bilang finance manager kung saan ang trabaho niya araw-araw ay i-monitor ang arawang cash position ng kumpanya ,tignan ang pag-isyu ng checks, magbetipika ng bi-monthly payroll summary; mag-reconcile ng bank accounts pati na ang ‘ preparing the balance sheet/income statement; reviewing and approving monthly billing statements; monitoring accounts payable and accounts receivable; managing employees’ health cards and retirement insurance; preparing quarterly reports; approving check vouchers for payment; at i- reviewing at i- finalizing cash flow.’
Pinagbayas ein si Varquez ng P30,000 bilang nominal.damages.














