Latest News

Pagsibak sa mga BI employes sa ‘pastillas scheme’, pinagtibay ng CA

By: Carl Angelo

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Office of the Ombudsman na sibakin sa kanilang tungkulin Ang ilang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sangkot sa “pastillas scheme.”

Sa 27- pahinang desisyon, pinagtibay ng CA fifth division ang ruling na sina Deon Albao, Danieve Binsol, Fidel Mendoza, at Chevy Chase Naniong ay pawang may pananagutang administratibo para sa grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Nabatid na na-establisa na sina Albao at Binsol ay kabilang sa mga “boss” sa nabanggit na scheme. Si Mendoza ang tumatayong kanang kamay umano ng boss.


“To begin with, the Court finds that there can be no doubt as to the existence of the pastillas scheme in the BI and the conspiracy among some of its employees to perpetrate the scheme,” ayon sa CA .

Nabatid na sa.mga ebidensiya na ipinrisinta ,kabilang na ang affidavit ni Chong at Ignacio at ilang larawan ng pag-uusap sa pagitan ng mga BI employee kaya na-establish ang modus operandi.


Ang kaso ay nag-ugat mula sa petisyong isinampa ng dating apat na empleyado laban sa desisyon ng Ombudsman kung saan napatunayang guilty sila sa kasong grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Samantala, sinabi ng CA na hindi binigyan ng kredito ang argumento sa paniniwalang ang kasong isinampa ay base lang sa ispekulasyon at tsismis.
.
Isa rin sa petitioners ang umamin na hindi credible ang testigo dahil inamin nila na ang testgo ay lumahok sa pastillas scheme.


Tags: Court of Appeals (CA)

You May Also Like

Most Read