Latest News

Pagsibak sa government lawyer, pinagtibay ng Korte Suprema

By: Anthony Quindoy

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang pagsibak sa isang dating abogado ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

Ito ay dahil sa kasong grave misconduct at serious dishonesty, matapos mapatunayang nasa kanyang poder ang nawawalang case record na may kaugnayan sa kaso ng pagkamatay ni Ruby Rose Barrameda-Jimenez na natagpuan sa loob ng drum noong 2009 sa Navotas City.

Napag-alaman sa desisyong isinulat ni SC Associate Justice Maribic M.V.F . Leonen na ibinasura ang ‘petition for review on certiorari’ na una nang inihain ni Jerik Roderick Jacoba.


Pinayagan naman ng SC ang petition for review on certiorari na inihain ng Civil Service Commission at ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa, kung saan kinuwestiyon sa pinag-isang petisyon ang ruling ng Court of Appeals (CA) na nagpatunay na guilty si Jacoba sa kasong simple misconduct.

Napag-alamang niresolba ng Department of Justice (DOJ) ang kaso kung saan kinasuhan si Manuel Jimenez III ng parricide at umapela ito sa Office of the President at ang records ng kaso ay dinala sa OP Legal Affairs.


Noong Pebrero 2012, nag-inquire si Usec Ronaldo Geron sa kinahinatnan ng apela sa kaso pero hindi makita ang record ng kaso ni Barrameda.

Nagsagawa ng imbestigasyon kung saan ang case folder ay natagpuan sa filing cabinet na ginagamit ni Jacoba.


Sinampahan ng kaso si Jacoba at napatunayang guilty kaya sinibak siya sa pagka-abogado , tinanggalan ng kanyang retirement benefits at habambuhay na diskuwalipikado sa anumang trabaho sa gobyerno.

Bukod diyan ay kinansela rin ang kanyang civil service eligibility at hindi na pinayagan na makakuha pa ng eksamin sa Civil Service Commission (CSC).

Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like

Most Read