Latest News

PAGSALAKAY SA BAHAY NI CONG. TEVES, ‘ILIGAL AT IRREGULAR’ UMANO

Ito ang inihayag ng mga abogado ni Congressman Arnulfo Teves kahapon sa isang pulong balitaan sa Quezon City kung saan tahasan nilang ikinaila na ito rin ang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Sinabi nina Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio, Atty. Roberto “Toby” Diokno, Jr. at Atty. Edward Santiago na bumubuo ng legal team ni Cong Teves na “illegal and irregular” ang ginawang composite raid sa mga bahay at resort ng mga Teves .

Kasabay ito ng akusasyon na ‘planted’ ang mga baril at pampasabog na nakuha ng mga awtoridad sa isinagawang raid sa bisa ng search warrant na inilabas ng Mandaue City RTC sa laundry area ng mga sinalakay na bahay.


Mariing ikinaila ni Atty Topacio na si Cong. Teves ang utak sa Degamo slay case.

Sinabi pa ng mga abogado na may dalawang buwan na ang nakalipas ay lantarang ng inerereklamo ni Cong. Teves ang umuugong na intelligence report na binabalaan siyang sasalakayin ang kanyang mga bahay .

“It would therefore be improbable and illogical for the legislator to still keep weapons in his properties,” anang mga abogado

Sinabi pa ni Atty. Topacio na siya mismo ang personal na kumuha ng mga baril sa bahay ni Congressman Teves sa Quezon City at sinurender sa local police headquarters.


Umapela rin ang mga abogado sa pamahalaan at sa publiko na maging patas, to “withhold rash judgements against” the legislator, at bigyan ito ng due process.

Nanawagan din ang childhood friend and school batchmate ni Congressman Teves, na si Atty. Toby Diokno sa mga imbestigador at mga law enforcement agencies na busisiin ang lahat ng angulo sa likod ng pamamaslang kay Degamo .

Nanawagan din ang abogado na imbestigahan din ang ibang suspek, sundan ang iba pang mga posibleng angulo at huwag tumutok lamang kay Teves.

Kaugnay nito, inihayag ng mga abogado na uuwi si Teves mula United States matapos na sumailalim sa stem cell therapy.


Nag-aalala lamang umano si Cong Teves sa kanyang personal safety at kaligtasan ng kanyang mga kaanak.

“He is innocent” ayon sa mga abogado at hindi umano ito natatakot na harapin ang kanyang mga accusers sa korte. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: , ,

You May Also Like

Most Read

Menu