PAGSABOG SA GAS WAREHOUSE SA TONDO, TATLONG CONSTRUCTION WORKERS SUGATAN

By: Baby Cuevas

Tatlong construction workers ang sugatan matapos tamaan ang tubong nakakonekta sa crude oil habang nagta -trabaho sa loob ng isang gasoline warehouse sa Blk.6 Road10 Magsaysay Village, Vitas Brgy. 106 Tondo Maynila.

Kasalukuiyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang mga biktimang sina Edzel Eustaquio, 24; Arnulfo Meru, 25 at Alvin Pagtabunan, 31 ,pawang residente ng Purok 3, Isla Puting Bato Brgy.20 Tondo, Maynila, dahil sa mga sugat at lapnos sa katawan at mukha.


Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District -Police Station 1, naganap ang insidente alas- 9 ng umaga kamakalawa sa loob ng Mega Genesis Trading Corporation na matatagpuan sa Blk.6 Road10 Magsaysay Village, Vitas Brgy. 106 Tondo .

Nagtatrabaho umano ang mga biktima sa loob ng Mega Genesis Gasoline Warehouse na pag-aari ng Jet Fuel Construction Corporation para sa isang bodegang pag-iimbakan ng crude oil, nang aksidenteng tamaan ang pipeline na naka-konekta sa crude oil, na siyang naging sanhi ng pagsabog.

Nagtungo sa nasabing lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para magsagawa ng ocular investigation.


Tags: Manila Police District Police Station 1

You May Also Like