PAGPUTOK NG BULKAN, MALAKAS NA LINDOL SA APRIL 22, 2025, FAKE NEWS

By: Victor Baldemor Ruiz

FAKE news at posibleng nanakot lamang o nagpaparami ng kayang viewers ang responsable sa pagpapakalat ng warning hinggil sa magaganap na Magnitude 8.2 earthquake at pagputok ng dalawang bulkan sa susunod na linggo.

Ganito tahasang itinanggi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang babala na kumakalat muli sa social media na yayanigin ang bansa ng malakas na lindol at posibleng ito ang pinangangambahang “The Big One”.

“Hindi po ‘yan totoo,” ani Phivolcs Director Teresito Bacolcol kasabay ng panawagan na: “Wag pong nagpapakalat ng fake news. Maraming nagtatanong sa amin totoo ba yung April 22 magkaroon ng malakas na lindol. “


“Earthquakes are “random events” and there is no technology that can predict exactly when and where they would hit,” paliwanag ni Bacolcol.

Kaugnay ito sa pinakakalat na AI Prediction sa social media kung saan tinanong ang AI ng “Alexa, what happens to the Philippine in April 22, 2025? Kung saan sinagot ito na “On April 22nd 2025, 4:01 am the Philippine will be hit by 8.2 magnitude earthquake,” na umano’y siyang magti-trigger para pumutok ang dalawang malaking bulkan sa Pilipinas.


“‘Wag po silang maniwala agad sa nababasa nila sa Facebook, social media,” ani Bacolcol.

Nabatid na maging ang Banal na Biblia ay may propesiya na may magaganap na malakas na paglindol subalit sa iba’t- ibang bahagi umano ito ng mundo.


“Pangkaraniwan na umano ang lindol at halos araw-araw ay nagaganap ito sa Pilipinas na nakahimlay sa Pacific “Ring of Fire”, an arc of intense seismic and volcanic activity that stretches from Japan through Southeast Asia and across the Pacific basin, subalit hindi gaanong nararamdaman,” ayon sa Phivolcs.

Ang malakas at mapaminsalang lindol ay bihirang maganap at wala pang teknolohiya para ito ,matutukoy kung kailan at saan ito magaganap, at ang kailangan nating ay magsipaghanda,” paliwanag pa ng ahensya.

Samantala, niyanig ng magnitude 5.7 quake ang Sarangani province kahapon ng umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology .

Natunton ang origin ng lindol 55 kilometers southwest ng bayan ng Maitum alas- 5:42 ng umaga sa lalim na may isang kilometro.

Bagama’t naganap ang lindol sa ilalim ng dagat ay hindi ito gaanong kalakasan para lumikha ng tsunami, ani Dir. Bacolcol, bagama’t asahan umano na makakaramdam ng mga aftershocks and damage to property.

“The tremor was felt at a “moderately strong” intensity 4 in Kiamba, Sarangani and T’boli, Banga, Surallah, and Tupi in South Cotabato, ” ayon sa Phivolcs report na isinumite sa Office of Civil Defense.

Tags: Phivolcs Director Teresito Bacolcol

You May Also Like

Most Read