PAGPUNTA NI DUTERTE SA CHINA, BATID NI PBBM

Ni Mark Alfonso

BATID ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagtungo ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa China.

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ng Department of Foreign Affairs na walang “official information” ang Beijing trip ni Duterte.


Ayon kay Marcos, welcome sa kanya ang anumang bagong linya ng komunikasyon sa gitna ng isyu sa South China Sea.

Tiniyak ng Pangulo na sabihin din ni Duterte sa pamahalaan ng Pilipinas ang detalye ng kanilang naging pag-uusap ni Chinese President Xi Jinping at kung paano ito makakaapekto sa bansa.e.

“No. Nag permiso? Hindi naman kasi… Alam ko naman na pupunta siya. At magkaibigan sila, magkakilala sila,” tugon ni Marcos nang tanungin kung binigyan niya ng basbas si Duterte nang magpunta sa China sa isang panayam.

“So I hope that napagusapan nila ‘yung mga isyu na ngayon na mga nakikita natin, ‘yung mga shadowing, ‘yung mga kung anu-ano,” pahayag ni Marcos.


“All of these things that we are seeing now I hope napag-usapan nila para naman magakroon tayo ng progress, kasi ‘yun naman talaga ang habol natin eh patuloy ang pag-uusap,” ayon pa sa Pangulo.

“If that is President PRRD then good. Hindi importante sa akin kung sino, kung ano, basta’t may makausap sila baka makatulong eh.”

“I am sure that he will have ah, hindi naman report, I am sure he will be able to tell us what happened during their conversation and see how that affects us,” banggit pa ni Marcos.


Tags: dating Pangulo Rodrigo Duterte, Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like

Most Read