Latest News

PAGPATAY SA ELECTION OFFICER, KINONDENA NG COMELEC

By: Victor Baldemor Ruiz

TAHASANG kinondena ng Commission on Elections (Comelec) sa pangunguna ni Chairman Erwin Garcia ang brutal na pagpatay kay Mark Orlando Vallecer II, OIC Election Officer ng Nunu­ngan, Lanao del Norte.

Ayon kay Chairman Garcia, ang ginawang paglikida kay Vallecer noong Lunes habang siya ay nasa loob ng kanyang kotse sa bayan ng Salvador ay isang “karumal-dumal na krimen” hindi lamang laban sa isang lingkod-bayan kundi pati na rin sa demokrasya.


“Violence has no place in a democratic society. Such acts spread fear, disrupt the electoral process, and undermine the values of justice and freedom that bind us as a nation,” ayon sa inilabas na pahayag ng Komisyon.

Hindi umano ito mapapalagpas ng COMELEC kaya mahigpit ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan na sa mga law enforcement agencies upang matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

“Measures are being taken to expedite the investigation, and we will work tirelessly to prevent similar incidents in the future” dagdag pa nito.


Una nang nanawagan si Garcia sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para paigtingin ang kampanya kontra loose firearms at agarang pag-dismantle sa mga hinihinalang private armed groups na pinangangambahang magamit sa paghahasik ng karahasan sa panahon ng eleksyon.

Nanawagan din ang Comelec sa mga kandidato, taga-suporta at sa publiko na huwag tangkilikin ang paggamit ng karahasan at pananakot.


Binigyang-diin ng tanggapan na mananatili silang tapat sa kanilang misyon na tiyakin ang malaya, patas at mapayapang halalan.

Kamakailan ay pinatay din ang isang assistant COMELEC officer sa bayan ng Isulan town.


Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pamamaslang sa biktima na kinilalang si John Nico Dional­do Pandoy, dakong alas-4 ng hapon pauwi mula sa barber shop ang biktima sakay ng kanyang scooter.

Binuntutan ang biktima ng riding-in-tandem suspects at pagdating sa Buluan, Maguindanao ay dinikitan ito at pinagbabaril.

Naisugod pa sa Immaculate Conception Hospital si Pandoy su­balit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.



Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa pamamaslang, habang nag-utos ng massive manhunt ang Police Regional Office 12 laban sa mga tumakas na salarin.

Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like