Latest News

PAGPASLANG SA DAVAO LADY PROSECUTOR, IIMBESTIGAHAN NG NBI

By: Baby Cuevas

Nakatakdang magsagawa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation(NBI) kaugnay sa pagpaslang kay Davao Occidental Assistant Provincial Prosecutor Eleanor Dela Pena noong Hunyo 10 sa Digos.City, Davao Occidental.

Ito ay batay sa direktiba ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kasabay ng pagkondena sa ginawang pag-ambush kay Dela Pena na agarang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo.

Batay sa ulat, si De La Pena ay pinagbabaril ng riding-in-tandem suspects na lulan ng Honda Click habang mag-isang nakasakay sa kanyang sasakyan, ala- 5 ng hapon sa Chapter 8, Tinda Aplaya in Digos City, Davao del Sur.


Kasabay nito, inatasan ni Remulla ang NBI na magsagawa ng.parallel investigation sa insidente at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni De La Pena. Iniatas din niya ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga prosecutors sa Davao.

“In the name of our beloved colleague in justice, we vow that justice will be delivered,” ani Remulla.


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read