Latest News

Pagpapaliban ng Barangay, SK election tinutulan

Tinutulan ng isang solon ang mga hakbang upang hindi matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5, 2022.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, maraming Sangguniang Kabataan ang hindi na nakagagawa ng kanilang mandato na magsagawa ng mga youth development program dahil marami ng opisyal nito ang nagbitiw na matapos ang ilang ulit na postponement.

“Another term extension would effectively paralyze many Sangguniang Kabataan nationwide. Election postponement would actually hinder rather than help achieve efficient governance and services for pandemic recovery,” sabi ni Manuel.


Nanawagan si Manuel sa mga kapwa nito kabataan na ipaglaban ang kanilang karapatan na bumoto sa Disyembre.

“The national elections ignited a broad movement for good governance that has raised youth involvement in politics and public affairs to a level never seen before in recent time. Of course, corrupt officials who have a stake at the local elections would be scared,” dagdag pa ni Manuel.

Tags:

You May Also Like

Most Read