Sa pangunguna ng United States Ambassador, ikinatuwa ng ilang foreign envoys at kinatawan ng European Parliament ang ‘bail grant’ para kay dating Senator Leila de Lima makalipas ang may anim na taong pagkakakulong.
Kasunod ng court order na ‘release on bail’ para sa detenidong Senadora De Lima ay inihayag nina US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, European Union Hannah Neumann at ng Embahada ng Germany na ikinatuwa nila ang pag-apruba ng korte sa pagpapalaya kay De Lima.
“The United States welcomes former Philippine Senator Leila de Lima’s release on bail after nearly seven years of detention on politically motivated drug charges,” ani US Ambassador to the Philippine MaryKay Carlson .
“Senator De Lima’s release follows her acquittal in two out of three cases. The United States urges the Philippines to resolve the remaining case against her in a manner that is consistent with its international human rights obligations and commitments,” anang US envoy.
Samantala, inihayag din ng Amnesty International na tanggap din umano nila ang pagbasura sa drug case ni De Lima at iba pang mga paglabag sa kanyang karapatang pantao.
Sinasabing naging target umano si De Lima ng gobyerno dahil sa kaniyang pagbatikos sa war on drugs at iba pang karapatang pantao .
Nakalaya ang dating senador matapos pinayagang magpiyansa ng Muntinlupa Regional Trial Court. Sa ngayon ay acquitted na rin si De Lima sa dalawa sa tatlong drug charges na isinampa laban sa kanya noon.
Umaasa rin ang Amnesty International na sana’y matuldukan na ang kaniyang kaso (De Lima) kaugnay sa International Human Rights commitments ng bansa.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang kampo ng senador sa Malacanang na mabigyan ng seguridad ang napalayang senador bunsod na rin umano ng mga matinding kritisismo sa dating Pangulong Rodrigo Roa-Duterte.
Ayon kay Atty. Dino de Leon, lubha silang nag- aalala sa kaligtasan ni De Lima.
“Lagi namin ‘yang pinangangambahan at lagi kaming kinakabahan kasi she remains to be one of the most prominent members of the opposition, political figures in the country,” anang abogado.














