Latest News

PAGPAPAIGTING SA ‘ROAD SAFETY’ KAILANGAN NG ‘COLLABORATIVE EFFORT,’ AYON SA DOH

By: Carl Angelo

KAILANGAN ng ‘collaborative effort’ at pinalakas na inter-agency initiatives upang higit pang paigtingin at paghusayin ang ‘road safety’ sa bansa, partikular na sa Ilocos Region.

Ito ang binigyang-diin ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro J. Herbosa, nanagsabing ang umiiral na ‘road safety initiatives’ ay dapat na nakalinya sa limang haligi ng ‘road safety’ kabilang na ang road safety management, safer roads and mobility, safer vehicles, safer road users at post-crash response.

“These pillars aim to enhance access to pre-hospital care, trauma care, and rehabilitation for road crash victims,” ani Herbosa.


“Ensuring road safety requires a concerted effort from all sectors of society. Through this event, we will bring together various stakeholders to build a culture of safety and awareness, ultimately saving lives and promoting a healthier, safer Bagong Pilipinas, kung saan Bawat Buhay Mahalaga,” dagdag pa nito.

Pinangunahan ni Herbosa ang “Biyaheng Kalusugan: Road Safety Month celebration” na may temang “Idol sa Kalsada: Walk, Bike, and Ride for Road Safety for a Bagong Pilipinas!” na idinaos sa San Juan, La Union noong Mayo 23 hanggang Mayo 24, 2024.

Isinagawa ang nasabing aktibidad sa pakikipagtulungan ng partner agencies at organisasyon sa Ilocos Region, kung saan isinulong ng DOH ang pagkakaroon ng safer road system para sa bikers, cyclists, pedestrians at commuters.

Idinaos ang mga aktibidad gaya ng motorcade, hands-on cardiopulmonary resuscitation (CPR) training para sa mga drivers, interactive seminars at dissemination ng information education at communication materials sa nasabing dalawang aras.


Bukod diyan ay naglagay rin ng mga booths gayundin ng frontline at consultation services na naka-sentro sa pagsusulong ng road safety at pag-aangat ng kaalaman sa health impact nito, na tumatarget sa mahigit 100 tricycle operators at drivers’ associations, iba’t- ibang cyclists at riders’ organizations at high school students sa San Juan, La Union.

Sinabi naman ni Ilocos Center for Health Development Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na ang aktibidad ay idinaos sa La Union at nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng vehicular traffic incidents (VTIs) sa rehiyon, pangalawa sa Pangasinan.

Ayon sa datos ng Philippine National Police – Region 1 Office, may kabuuang 311 VTIs ang naitala nila mula Enero 1, 2024 hanggang Mayo 17, 2024, kung saan ang mga motorsiklo ang may pinakamataas na bilang ng casualties, na nasa 188 na sinundan ng Sedan na nasa 100 naman at mga trucks na nasa 64.


Tags: Department of Health (DOH) Secretary Teodoro J. Herbosa

You May Also Like

Most Read