PAGLUKLOK KAY ERWIN TULFO SA SENADO, DI PAGSISISIHAN NG TAUMBAYAN

By: Jerry S. Tan

Una sa lahat, congratulations sa ating dating kasamahan sa media industry na ngayon ay Senator Erwin Tulfo, sa matindi nitong pagkakapanalo sa ginanap na midterm elections nitong Mayo 12 lamang.

Binabati ko din ang Now that the Commission on Elections (Comelec), sa pamumuno ni Chairman George Garcia, sa naging desisyon ng Comelec en banc na ibasura dahil sa kawalan ng merito ang motion for reconsideration na isinampa ng isang dating abogado at ng Graft-free Philippines Foundation Inc., kasunod ng pag-dismiss din sa isang petisyon kung saan ang pagsampa ng disqualification laban kay Sen. Erwin ay ibinatay sa alegasyon ng US citizenship at diumano ay paglabag sa ‘equal access to opportunities in public service.’


Dahil sa mga aksyong ito ng Comelec ay naalis na lahat ang balakid upang makapagbigay ng buong-buong serbisyo publiko si Sen. Erwin.

Tama naman ang Comelec sa naging desisyon nito, dahil batay sa aking mga nabasa, ay matagal nang ini-renounce ni Sen. Erwin ang nasabing citizenship, bago pa man siya naitalaga bilang Kalihim ng Department Social Welfare and Development. May ulat ding nagsasabi na ni hindi nga natuloy ang nasabing US citizenship.

Ukol naman sa sinasabing paglabag sa ‘equal access to opportunities in public service,’ aba’y hindi mabilang sa daliri ang dami ng magkaka-apelyido, mag-asawa, mag-ama, mag-ina at ibang uri pa ng magkakamag-anak na nagsisilbi ngayon sa iba’t- ibang uri ng posisyon at kapasidad sa gobyerno.


Kung ia-apply ito sa kaso ni Sen. Erwin, aba’y dapat din itong i-apply sa lahat. Pag nagkataon, baka maubos ang tao sa gobyerno.

Dapat ay tignan ding maige ang malaking kaibahan ni Sen. Erwin sa kanila.


Una sa lahat, never itong nasangkot sa mga korapsyon sa gobyerno maging bilang isang taga-media. Kaya nga ang mga isyung ibinato sa kanya sa Commission on Appointments noon ay mga kababawan gaya ng US citizenship at libel cases, na sa larangan ng media industry ay talaga namang halos hindi maiiwasan.

Ang dapat tignan ay kung paano nito hinawakan ang puwesto bilang DSWD Secretary na sa loob ng maikling panahon ng kanyang panunungkulan, ay talaga namang naging epektibo ang kagawaran sa paghahatid ng mabilisan at magaling na serbisyo.


Nasubok at napatunayan ito ni Sen. Erwin nang salantahin ang bansa ng bagyong “Paeng” gayundin ng tamaan ng 7 magnitude na lindol ang Abra.

Mismong si Vice President Leni Robredo ay pumuri sa kagalingan ng noon ay DSWD Sec. Erwin sa pagresponde sa mga nasabing krisis.

Nasayang ang pagkakataon ng bansa na magkaroon ng mabuti at maayos na government official sa katauhan ni Sen. Erwin pero ngayon, mismong mga tao na ang nagbigay sa kanya ng mandato para magbigay ng klase ng serbisyo na makabubuti sa bansa, sa mas malawak na kapasidad, nang siya ay iboto ng mga ito at iluklok bilang ikaapat sa may pinakamatataas na boto sa Senado.



Personal kong masasabi na magiging isang matino, mabait at responsableng Senador si Sen. Erwin. Bilang dating mamamahayag ay alam din nito ang lalim ng problema ng ating bansa kaya alam niya kung saan siya magsisimula o magtutuon ng atensyon.

Hindi magsisisi ang mga bumoto para sa kanya. Tiyak ‘yan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: jerry s. tan, Senator Erwin Tulfo

You May Also Like

Latest News