Paglipat sa BuCor headquarters sa Tanay, Rizal, tinutulan

Tutol ang Masungi Georeserve Foundation Inc. (MGFI), nagsisilbing caretaker sa geopark mula pa noong 2017 sa balak na ilipat ang Bureau of Corrections (BuCor) headquarters sa bahagi ng 270 hektaryang Masungi Georeserve.

Ayon kay MGFI trustee Ann Dumaliang,ang site ay hindi umano akma na lagyan ng mga gusali ,opisina o maging housing facilities.


Kaya nanawagan siya kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na pakialaman ang planong ito ng Department of Justice (DOJ) at BuCor.

Samantala, idinepensa naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang desisyon ng BuCor na ilipat ang kanilang headquarters sa nabanggit na lugar,dahil mandato umano ng ahensiya na i-improve ang penal management system ng bansa para ma-decongest ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

“We’re looking at the options available to the BuCor for the next 15 to 20 years. There has to be a long-term plan for BuCor,” ayon kay Remulla sa kanyang radio program.


Ayon pa kay Remulla ,ang “regionalization” ng BuCor facilities ay kinakailangan “to humanize the prison system at para na rin mas makasama nilang lagi ang kanilang mga pamilya.”

Ipinaliwanag ni Remulla na ikinunsidera nila ang Masungi area partikular na iyong nasa bahagi sakop ng munisipalidad ng Tanay,Rizal dahil ito naman ay ini-award sa bureau noong 2006 sa pamamagitan ng proklamasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.


Sinabi pa ni Remulla na kakausapin nila ang MGFI sa tamang panahon. (Carl Angelo)


Tags: Bureau of Corrections (BuCor)

You May Also Like