Latest News

Pagkipot ng Creek sa Paranaque, Magdudulot ng Malaking Baha sa Ilang Barangay

By: Tony Gildo

Nangangamba ang mga residente sa ilang barangay tulad ng Moonwalk at Don Bosco ng Parañaque, dahil sa posibleng pagbaha ngayong tag-ulan.


Ayon kay Engr. Selwyn Lao, unti-unting nawawala at kumikipot ang Baloc-Baloc Creek, na dating nagsisilbing pangunahing daluyan ng tubig sa lungsod.

Ang Baloc-Baloc Creek ay isa sa mga natural waterways mula sa looban ng Parañaque papunta sa Manila Bay. na nagsilbing “drainage” sa mga barangay tulad ng San Dionisio, San Isidro at BF Homes, tuwing malakas ang ulan.

Paliwanag ni Engr.Lao, nagrereklamo na rin ang mga residente at ilang opisyal ng barangay, dahil sa malaking bahagi ng creek ang natabunan na naging kalsada at tinayuan ng mga bahay at establishment.


Dahil sa Land Development ng mga real estate owners at pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno, barangays at home owners association ang nakikita nilang dahilan diumano.

Nanawagan naman sila sa Task Force Kasanag at Climate Change Task Force na bantayan ang kasong ito na isinampa na sa Ombudsman, DENR at iba pang sangay ng gobyerno na may kinalaman dito.




Nanawagan din ang lokal na pamahalaan sa DPWH at DENR na magsagawa ng dredging at clearing operation sa natitirang bahagi ng Baloc-Baloc Creek bago pa lumala ang problema sa baha.


Tags: Engr. Selwyn Lao

You May Also Like