Latest News

Ipinaliliwanag ni Rep. Joel Chua kung paano pinadali ng divorce bill ang pagkilala sa Pilipinas ng diborsiyo mula sa ibang bansa.

PAGKILALA SA DIBORSIYONG MULA SA IBANG BANSA, MAS PINADALI SA HB 9349

By: Jerry S. Tan

Sa ilalim ng divorce bill o HB 9349, ang pagkilala ng Pilipinas ng diborsiyo sa ibang bansa ay mas madali na, kumpara sa isinasaad ng Family Code sa ngayon, ayon kay Manila Congressman Joel Chua (3rd district).

Sinabi ni Chua na sa divorce bill sa House of Representatives (HB 9349), “the recognition of a divorce validly obtained abroad is more convenient and faster because the Philippine court is no longer part of the process. Only the Philippine consul overseas and the Philippine local civil registrar are in the process, aside from the divorce process overseas.”

“I clarify this to the Filipino public in light of the divorce between Tom Rodriguez and Carla Abellana that was recognized by the court here in the Philippines,” saad pa ni Chua.

Ayon kay Chua, mas pinadali pa ng Kamara sa HB 9349 ang ‘recognition of a valid foreign divorce’ dahil hindi na dadaan sa korte dito sa Pilipinas.

Aniya, sapat nang ma-authenticate ng Philippine consul ang divorce kung saang bansa ito nangyari o sa malapit na bansa kung saan merong Philippine consul.

Kapag na-authenticate na ng consul doon, ang susunod na hakbang ay i-register ang ‘authenticated divorce’ sa local civil registrar kung saan naroon ang records ng esposo dito sa Pilipinas, paliwanag pa ni Chua.

Ayon sa Kongresista, malaking tulong ang probisyong ito ng HB 9349 sa mga Pilipinong nakapangasawa ng ‘citizen’ ng ibang bansa na dini-diborsyo ng kanilang asawang foreigner, kasama na ang mga OFW at mga Pilipinong residente na ng ibang bansa.

“The Supreme Court of the Philippines said in an August 10, 2022 decision pointed out that the divorce law of the foreign country must be properly cited. .. The Family Code allows recognition of foreign divorce because is justice for the Filipino spouse, It would be unjust to the Filipino spouse if only the foreign spouse gains the freedom to marry while the Filipino spouse does not,” aniya.

“In summary, in the Family Code, the divorce validly obtained abroad simply has to be recorded in a Philippine local civil registrar and thereafter filed with a regional trial court,” dagdag pa nito.

Ayon kay Chua, sa HB 9349, pinaikli at pinabilis na ang proseso dahil ministerial at clerical procedure lang dapat ang procedure dito sa Pilipinas at hindi na dapat idaan sa korte.

Inihalimbawa niya ang bilis ng ‘divorce process’ sa California sa kaso ng dating mag-asawa na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, na natagalan pa umano ng kaunti sa Pilipinas dahil kinailangan pa itong dumaan sa regional trial court.

“According to news reports, Tom Rodriguez, an American citizen, filed for divorce in California in 2022, and it was done by June. Then, in 2023, Carla Abellana asked an RTC to recognize the divorce in California. The whole process took just two years,” ani Chua.

Tags:

You May Also Like

Most Read