By: CARL CANLAS
Pinarangalan ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mga Pilipinong atleta na lumahok sa 2024 Paris Olympics, partikular na si two-time Olympic gold medalist Carlos Edriel Yulo.
Sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na kahanga-hanga umano ang naging pagsusumikap ni Yulo sa kanyang larangan sa gymnastics na nagbigay karangalan sa bawat Pilipino.
“Congratulations, Carlos Yulo! Your remarkable achievement in winning two Olympic gold medals is an inspiration to us all. Your unwavering discipline, relentless determination, and steadfast devotion have propelled you to unparalleled success at the 2024 Paris Olympics,” anang Obispo.
Sinabi pa ni Santos na tulad ng pagpuri ni Yulo sa Panginoon, ang bawat isa ay makasusumpong ng kalakasan sa Diyos kaya’t dapat na paigtingin ang pakikipag-ugnayan at palalimin ang pananampalataya upang mapagtagumpayan ang anumang hamong kakaharapin sa buhay.
“Just like Carlos who is known to be a devout believer of Christ, we can find strength with enduring faith in our devotion to Christ, giving God honor and praise for guiding and protecting us on our path,” anang Obispo.
“Your two consecutive gold medals are a testament to your remarkable talent and tireless efforts. You have inspired not only a generation of aspiring athletes but people of all ages, that will leave a lasting legacy for the Philippines. Your achievements will continue to motivate and inspire others to reach for their dreams,” dagdag pa nito.
Binanggit naman ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na siya ring pangulo ng Caritas Philippines, ang tiyaga, dedikasyon at matatag na pananampalataya ni Yulo ang nagsilbing inspirasyon sa milyun-milyong Pilipino na mangarap at magsikap para makamit ang tagumpay.
“Your journey, marked by challenges and triumphs, is a testament to the unyielding spirit of the Filipino people. Your victory is not just yours alone but a shared triumph for the entire nation,” anang Obispo.
Samantala, dalangin rin ni Bishop Bagaforo na magpatuloy pa ang tinatamasang tagumpay ng mga atletang Pinoy at magsilbing huwaran at magbigay ng pag-asa sa buhay ng maraming Pilipino, lalo na ang mga nasa maralitang sektor ng lipunan.
“We pray for your continued success and well-being as you bring honor to our country,” dalangin ng Obispo.
Si Yulo ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics matapos magtagumpay sa men’s artistic gymnastics vault final sa Bercy Arena noong Linggo, August 4.
Una na ring sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na si Yulo ang ‘most bemedaled athlete’ sa kasaysayan ng Pilipinas na may 23 gintong medalya at kabuuang 38 iba pang medalya.
Tiyak na ring makakakuha ng bronze medal sina boxing athlete Nesthy Petecio at Aira Villegas, habang nakamit naman ni men’s pole vault athlete EJ Obiena ang ikaapat na pwesto.














