PAGKAMATAY NG DOKTOR, INAALAM KUNG DAHIL SA LASON

By: Baby Cuevas

KASALUKUYANG inaalam ng Manila Police District -homicide section kung nalason ang isang 43-anyos na aesthetic doctor sa kanyang ininom na “drinks” mula sa isa niyang pasyente, kamakalawa ng hapon sa loob ng kanyang klinika sa Malate, Maynila.

Kinilala ni PSSg Charles Benson Dela Torre, imbestigador ng MPD-homicide section,ang doktor na si Khaimar Ismael Jumadair, at may-ari ng Khai Aesthetic Clinic na matatagpuan sa 2nd floor ng Tetra Building A. Vasquez corner Pedro Gil Sts.Malate, Maynila.

Ayon sa impormasyong ibinigay sa MPD ni Katrina Lorraine Jumdair, 23, asawa ng biktima,naganap ang insidente alas- 3 ng hapon nang i-deliver ng rider mula sa Food Panda ang isang inumin na binili sa Starbucks at ipinadala ng isa umanong Glady na pasyente ng biktima.


Ayon kay Katrina, nagsalita pa umano ang biktima at sinabi na kilala niya ang nagbigay, kasunod nito ay kaagad na tinikman ng biktima ang drinks.

Pagkatungga ay nagsalita pa umano ang biktima ng “Ano bang lasa nito,tikman niyo nga” at kasunod nito ay nagsuka ang biktima at nagtatakbo sa comfort room at dito na nawalan ng malay.

Mabilis namang isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang doktor pero hindi na naisalba pa.

Ngayon ay hinihintay pa ng MPD ang resulta ng awtopsiya para malaman ang tunay na ikinamatay ng biktima.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read