Latest News

PAGKAMATAY NG BODYGUARD NG VICE MAYOR, LEHITIMONG POLICE OPERATION — PNP

NANINDIGAN ang Philippine National Police (PNP) na legitimate ang police operation na may kinalaman sa peace and security kaugnay sa nalalapit na May 2022 election ang ikinasa nilang operasyon kung saan nakalaban nila ang grupo ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Dinoso na ikinasawi ng kanyang body guard matapos lagpasan ang Comelec checkpoint.

Ayon sa PNP walang harassment na naganap, ginagawa lang umano ng mga pulis ang kanilang mandato na ipatupad ang mga nararapat na reglamento partikular na may kaugnayan sa May 2022 polls kabilang na ang paglalagay ng COMELEC checkpoint .

Inihayag ni y Cordillera Regional Police Director, P/BGen. Ronald Oliver Lee, sa halip na huminto sa nakalatag na checkpoint ng Pulisya sa Brgy. Poblacion, hinarurot ng isang sasakyan na pag aari umano ni Disono, binangga ang Police mobile at pinaputukan pa ang mga Pulis na nagbabantay duon.


Dahilan kaya n napilitang gumanti ng putok ang mga Pulis na nagresulta sa habulan hanggang sa kinordonan ang bahay ng Bise Alkalde para arestuhin ang pasaway na driver ng SUV.

Kinumpirma ng PNP na isang tauhan ng bise alkalde na kinilalang si Sandee Boy Bermudo, base sa nakuhang identification card , ang napatay sa naganap na shootout.

Kahapon nakuha ng mga imbestigador ang bangkay ng sinasabing security ni VM Disono at ang sinasakyan nitong van kung saan may isang high powered 9mm Stribog SP9A3 pistol carbine, at magazine with 20 rounds of ammunition.

Kinumpirma ni Capt. Ronaldo Eslabra, Pilar police chief,na nakuha na nila ang Toyota Hiace van na hinabol ng mga pulis nag lagpasan nila ang election checkpoint at nagwakas na rin ang naganap na standoff sa bahay ng bise alkalde .


Sinasabing may dalawang kasapi ng Police Regional Mobile Force Battalion din ang nasaktan ng masagi ng humarurot na van bago sila pinaputukan. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read