ANAK pala ng San Juan Mayor Francis Zamora ang nali-link kay Daniel Padilla.
Pero mabilis naman itong pinabulaanan ng alkalde ng San Juan City.
Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi niyang walang katotohanan ang “rumor” sa anak niyang si Amanda at sa aktor.
Ani Mayor Zamora: “Yes, ang aking anak nga po ay nali-link kay Daniel Padilla. So, bilang isang ama, gusto ko pong sabihin sa inyong lahat na hindi po totoo yan. Si Amanda, my daughter, and Daniel are not linked in anyway.”
Giit ng alkalde ukol sa viral photo at video na lumabas online: “Definitely, hindi ko po anak ‘yun, To set the record straight, hindi po si Amanda at saka si Daniel Padilla, wala pong katotohanan ‘yan.”
Pinabulaanan na rin ni Amanda ang isyung kumakalat tungkol sa kanila ni DJ.
She also asked netizens on social media to be kinder with their words to one another.