PAGIGING ‘HUMBLE’ AT MAPAGMALASAKIT NI HOUSE SPEAKER R0MUALDEZ, IKINATUWA NG MGA TAGA-MAYNILA

By: Jerry S. Tan

Labis na ikinatuwa ng mga opisyal, barangayan, kabataan at maging mga residente ng ika-limang distrito ng Maynila, ang ipinakitang sobrang kababaang-loob at mapagmalasakit sa mahihirap ni House Speaker Martin Romualdez nang pangunahan nito ang groundbreaking ng itatayong cancer center na ipapangalan sa kanyang ama na ginanap sa compound ng Ospital ng Maynila nitong nakaraang Martes lamang.

Kasama niya sa nasabing event sina Mayor Honey Lacuna at Congressman Irwin Tieng (5th district), gayundun ang mga Kongresista at Konsehal ng Maynila na pinamumunuan ni Vice Mayor Yul Servo bilang kanilang Presiding Officer, para sa pagtatayo ng Governor Benjamin T. Romualdez Cancer Center na magbibigay ng libreng serbisyo para sa mga taga-Maynila na may sakit na cancer na walang pantustos sa napakamahal na gamutan.

Malapit daw sa puso ni Speaker Romualdez ang proyektong inihain sa kanya ni Tieng dahil mismong ang kanyang ama ay kinuha ng nasabing sakit mula sa kanilang pamilya. Naranasan daw nila ang hirap ng mayroong kapamilya na may kanser kaya gusto niyang makatulong sa mga mamamayang dumaraan sa ganitong uri ng sakripisyo.


Kagaya niya, si Gov. Kokoy ay isa ring taong napaka-humble sa kabila ng estado sa buhay. Mahal ito ng mga empleyado dahil lahat ay kanyang pinakikisamahan na parang di siya ang me ari ng kumpanya. May mga nagkukuwento pa nga na nagpupunta pala ito ng madaling araw sa tanggapan ng Journal at may dalang kaldero ng lugar. Uupo sa sementong sahig at doon ay kasama niyang kakain ng lugaw ang mga tauhan at dealers ng diyaryo habang sabay-sabay silang nakain ng lugaw sa madaling araw.

Nitong ginanap na groundbreaking ceremony, naging sobrang humble din si Speaker Romualdez dahil lahat ng ginustong kumamay at magpakuha ng litrato ay kanyang buong-pusong pinagbigyan. Kinamayan din niya isa-isa ang mga barangay officials na nagpakuha ng litraro sa kanya at wala siyang pagod sa pag-entertain sa kanilang lahat.



Kaya naman puring-puri siya ng lahat ng naroon lalo na nina Mayor Honey at Rep. Tieng, dahil bukod sa kabaitang ipinakita ay tiniyak din nito na hindi niya pababayaan ang nasabing cancer center at sagot na niya ang lahat ng kakailanganin dito, sukdulang pamilya na nila ang sumagot sa kung ano pa ang kakulangan.

Swak na swak daw sa panlasa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang nasabing proyekto dahil ito umano ang isa sa tatlong pangunahing programa nito: ang pagkakaroon ng specialty health centers, housing at food security para sa mga mas nangangailangang Pilipino. Kaya naman buong-buo din ang kanyang suportang ibibigay sa proyektong ito.


Labis ding natuwa ang mga naroon nang banggitin ni Speaker Romualdez ang balak na imbitahin mismo si Pangulong Marcos, Jr. para sa inagurasyon ng libreng cancer center kapag natapos na ito.

Marami ang nagulat sa pagiging humble o mapagkumbaba ni Speaker nang paulit-ulit nitong tawagin na ‘mam’ si Mayor Hioney na hiyang-hiya sa sobrang galang at pagka-gentleman na ipinakita sa kanya ni Speaker Romualdez.

Bumilib din nang husto si Mayor Honey nang sobrang bilis tinupad ni Speaker ang pangakong tulong para sa center. Dinala niya kasi sa groundbreaking sina appropriatons committee chairman Zaldy Co at majority floorleader Manuel Dalipe na aniya ay siyang bahala upang matugunan lahat ng kailangan ng alkalde.

Ngayon ay alam na natin kung bakit naging lider ng Kongreso si Speaker Martin. Mayroon siyang isang salita na pupuwedeng panghawakan at hindi siya ‘drowing’ kausap. Hindi siya ‘yung tinatawag na ‘puro wento pero walang wenta.’

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like