PAGHINGI NG ASYLUM NI DUTERTE SA CHINA, ITINANGGI

By: Victor Baldemor Ruiz

Hindi kinumpirma ng China kung humingi si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng asylum kay Chinese President Xi Jinping sa pagtatanong ng ilang kasapi ng media sa Chinese Embassy sa Maynila.

Una nang iginiit ng kampo ni Duterte na fake news at kasinungalingan ang ulat na kaya nagtungo ng Hong Kong si dating Pangulong Duterte ay para humingi ng asylum kay Chinese President Xi Jinping.


Sa kumalat na balita, diumano’y humingi ng proteksyon si Duterte kay Pres. Xi pero tinanggihan ito ng Chinese president.

Tahasang sinagot ito ni Senator Ronald Dela Rosa na nagsabing walang katotohanan at fake news kung sinuman ang gumawa ng nasabing istorya.

Si Duterte ay inaresto pagkadating pa lamang niya sa Pilipinas nitong Martes galing ng Hong Kong, kung saan isinilbi ng mga pulis ang arrest warrant sa kahilingan ng INTERPOL sa bisa ng notice na inilabas ng International Criminal Court (ICC).


Tags: Rodrigo Duterte

You May Also Like

Most Read

Latest News