Wala pang rekomendasyon ang Department of Health (DOH) para sa striktong pagpaaptupad sa pagsusuot ng facemasks, kasunod ng pagtaas ng arawang kaso ng COVID-19.
“Currently, there is no recommendation from the Department of Health on the amendment of tExecutive Order No. 7 regarding the wearing of face masks, ”ayon sa DOH, nang tanungin kung may posibilidad na ipatupad ang mandatory na pagsusuot ng facemasks.
Una nang nagpalabas ng executive order noong nakalipas na taon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na boluntaryo na ang pagsusuot ng facemasks sa indoor at outdoor na lugar.
Gayunman, mananatili lamang ang pagsusuot ng masks sa loob ng public transportation at health care facilities.
Sinabi rin ng OCTA research group na tumaas ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila nitong Abril 8 at may 11 lalawigan ang mataas sa 5% ang positivity rate.eyes)