Latest News

PAGHAHATID NG LIGTAS NA ENERHIYA, TINIYAK NG DOE

By TONY GILDO

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na nanatiling nakatuon ang ahensiya sa pagsusulong na maihatid ang ligtas na enerhiya sa bawat Filipino at paglago ng ekonomiya sa hinaharap.


Nakiisa ang DOE sa 9th Annual Energy Forum ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham), dala ang mga pananaw ng gobyerno, industriya at pamumuhunan, upang talakayin ang mga estratehiya para sa katatagan, recovery at paglipat sa gitna ng regional energy disruptions.

Sa naturang forum, itinampok ni Energy Secretary Sharon Garin ang Philippine Energy Plan (PEP) at ang strategic priorities ng bansa sa renewable at indigenous energy development, fuel security at regional energy cooperation.

Binalangkas din nito ang pagsisikap na palakasin ang seguridad sa enerhiya at bawasan ang pagdepende ng bansa sa imported na langis sa pamamagitan ng fuel diversification, transport electrification, demand-side management at indigenous energy technologies.


Tags: Department of Energy (DOE)

You May Also Like

Latest News