Paghahanda sa BSKE, tuloy — Comelec

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy pa rin ang paghahanda nito para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila nang napirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang batas na nagsususpinde g nasabing halalan.

Ikinatwiran ni Comelec chairman George Erwin Garcia, na ito ay dahil maaaring may kumuwestyon sa Korte Suprema ng pagpapaliban ng halalan. Mabuting handa umano ang komisyon kung sakaling katigan ng korte ang pagpapatuloy ng eleksyon sa Disyembre 5.


“Nagdesisyon pong Comelec en banc to proceed with all our preparations… In the final analysis, syempre magiging batas po ‘yan, pero of course, the Supreme Court can always say something about the legality and constitutionality of this law,” saad ni Garcia.

Bilang paghahanda naman sa suspensyon ng BSKE, maglalabas ang Comelec ng resolusyon para sa mga bagong iskedyul ng mga aktibidad. Kabilang dito ang magiging bagong petsa ng ‘election period, gun ban, at iba pa.

Bunga ng suspensyon ng BSKE na gaganapin na sa Oktubre 30, 2023, ipagpapatuloy muli ng Comelec ang voter’s registation na maaaring lumarga na sa huling linggo ng Nobyembre hanggang huling linggo ng Mayo sa susunod na taon. (Carl Angelo)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like