Latest News

Paghahanda sa barangay election tuloy kahit may panawagan na i-postpone

Tuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa darating na Barangay election sa Disyembre sa kabila na may panawagan na i-postpone ito.

Napag-alaman na ipa -paiyoridad sa pagbubukas ng 19th Congress ang pag-postpone sa barangay elections.

Ayon kay Comelec Director for Education and Information Department James Jimenez, pinag-uusapan na ang ang scenario para sa barangay election.


“Remember nasa panahon pa rin tayo ng pandemy and we’re still planning very carefully all of these procedures that we hope that will make the barangay elections safe,” ayon kay Jimenez .

”Wala pa akong naririnig na proposal na mapo-postpone ang barangay elections but even then kahit meron magtutuloy kami hanggang sa actually ma-postpone,” dagdag ni Jimenez.


Pinag iisipan ng Kamara ang pag-postpone sa barangay elections para makapagtipid ng pondo para sa stimulus bills ni President -elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nalaman na muling sisimulan ng Comelec ang registration of voters pero hindi pa naitatakda ang petsa.


Una nang sinabi ni Marcos na gusto niyang maging limang taon ang termino ng barangay SK sa halip na tatlong taon. (Jaymel Manuel)

Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read