Si NBI Chief Jimmy Santiago habang nagbababala sa mga kandidato na huwag gumamit ng pondong galing sa iligal. (JERRY S. TAN)

PAGGAMIT NG CAMPAIGN FUNDS MULA ILIGAL, BAWAL, BABALA NI NBI DIRECTOR SANTIAGO

By: Jerry S. Tan

Nagbabala si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga pulitikong kakandidato sa 2025 elections laban sa paggamit ng pondong galing sa mga illegal na aktibidad dahil hindi umano nila sasantuhin ang mga ito.

Ayon kay Santiago, tiyak na mananagot ang sinumang kandidato na mapapatunayang tumanggap o gumamit ng pondo mula sa illegally-sourced funds tulad ng POGO.

Nagbabala pa ito na walang sasantuhin ang NBI pagdating sa bagay na ito.


“Mag-ingat po sila…wala kaming sasantuhin kahit na sino pa ‘yan,” ayon pa kay Santiago, nang dumalo sa “MACHRA Balitaan” forum ng Manila City Hall Reporters’ Association na ginanap sa Harbor View Restaurant.

“Basta galing sa iligal, eh bawal po ‘yan,” pagbibigay-diin nito.

Ipinaliwanag rin ng NBI chief na ang ilegal na pondo ay hindi nangangahulugan na POGO lamang ang pinag-uusapan.

Aniya, kasali rin sa illegal funds ang mga salaping donasyon na galing sa iba’t-ibang iligal na aktibidad gaya ng postitusyon, illegal gambling at illegal drugs.


Tags: NBI Chief Jimmy Santiago

You May Also Like

Most Read