Paggamit ng antigen test sa pag-screen sa mga dadalo sa Christmas party, di inirerekomenda ng DOH

Maaring dumalo sa mga Christmas Party kahit na walang antigen test.

Ito ay matapos na hindi na irekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng antigen test sa pag-screen sa COVID-19 ng mga taong dadalo sa Christmas parties ngayong holiday season.

Sinabi ni DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na ang antigen tests ay mas accurate gamitin sa mga taong may sintomas ng COVID-19.


Gayunman, kung gagamitin ito sa screening ay maaaring magresulta ito sa false positive o false negative na resulta.

“‘Pag ginagamit po natin ang antigen test for screening, which is really not recommended, you might get false positive or false negative results. This would just give you inaccurate management,” paliwanag ni Vergeire.


Sinabi pa ni Vergeire, ang false negative result ay maaaring magresulta sa COVID-19 transmission habang maaari namang magdulot ng ‘mental anguish’ sa isang tao kung di makakadalo sa Christmas party nang dahil lamang sa false positive result.

Samantala,muling hinikayat ni Vergeire ang publiko na magsagawa na lang ng health screening sa halip na gumamit ng antigen tests.


Dapat umanong.manatili na.lamang sa kanilang tahanan ang mga nakakaranas ng mga sintomas na kahalintulad ng sa COVID-19, tulad ng runny nose at ubo.

Hinimok ni Vergeire ang publiko na magsuot ng facemasks sa pagdalo sa party upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng COVID-19.

Gayundin ang pagpapabakuna pa rin ang pinakamabisang paraan upang maproteksiyunan ang mga mamamayan laban sa naturang virus. (Arsenio Tan)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read