Latest News

PAGDUROG SA CPP-NPA, TULO; GIYERA KONTRA TERORISTA, HINDI LULUBAYAN

By: Victor Baldemor Ruiz

ITO ay kahit pa inihayag sa ng gobyerno at maging ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines na napagkasunduan na nilang wakasan ang armadong tunggalian at magsimula ng panibagong peace negotiation.

Mismong si National Security Adviser Eduardo Año ang nagsabing tuloy pa rin ang giyera kontra New People’s Army ang armadong galamay ng CPP-NDFP dahil wala pa namang isinasapinal na peace agreement.


Ayon kay NSC Secretary Año, ang National Task Force To End Local Communist Armed Conflict ay magpapatuloy sa kanilang mga aktibidad kabilang na ang military operations and law enforcement, paghahatid ng government services “and putting, bringing development projects sa mga malalayong barangay . So tuloy tuloy yung ano, yung NTF-ELCAC, walang magbabago sa ating activities at operations.”

Paliwanag ng kalihim, base sa kanilang roadmap, may mga objectives na dapat na maisakatuparan: “Kumbaga, tuloy-tuloy ‘yung operations ng armed forces para ma-dismantle, ma-neutralize yung mga remaining weakened guerrilla fronts, mga 20 na lang yan e, weakened guerrilla fronts na hindi talaga active.”

Dahil dito sa kabila ng isinasapinal na pagbabalik sa Usapang Pangkapayapaan, mananatili pa rin ang military at police operations ng pamahalaan laban sa rebeldeng NPA, pahayag din ni Office of Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.


Paliwanag nito, ang mga inisyal na hakbang para sa pagbabalik o pagsisimula ng bagong peace negotiations ay hindi nangangahulugang magkakaroon na kaagad ng peace talks.

Nabatid na walang plano si Sec Año na magrekomenda ng Suspension on Military Operation ngayon panahon ng kapaskuhan…”. no no no, I don’t recommend SOMO, I don’t recommend any ceasefire”


“Why do you have to recommend that e, ang, alam naman natin yung ginagawa ng CPP-NPA ano, particularly NPA, puro mga violent activities so meron tayong objective na hinahabol ano yung armed forces especially, so lets give the ano, the AFP the chance and the opportunity to accomplish their ano, their objective,” pahayag pa ng dating heneral ng AFP.

Maalalang una na ring sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. na ang pagkakaroon ng holiday ceasefire sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng rebeldeng grupo ay depende na sa local peace and order council ng bawat LGU.


Bago nito ay nagpakita rin ng suporta sina Armed Forces chief Gen. Romeo Brawner at PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr.

Tags: CPP-NDFP

You May Also Like