Sinuspindi muna ng Court of Appeals(CA),ang pagdinig sa hinihiling na protection writs ng dalawang environmental activists na sina Jonila Sinu Castro at Jhed Tamano, na unang nagbulgar na sila ay dinukot at hindi sila rebel returnees.
Napag-alamang sinuspinde ng CA ang pagdinig matapos na mabigo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na.magsumite ng kanilang sagot sa petisyon nina Castro at Tamano.
“A preliminary conference was supposed to be held today for the habeas data and writ of amparo. This is where we would discuss how to simplify the issues and what the parties’ stipulations are,” ayon kay Dino De Leon.
Una nang inianunsiyo ng NTF-ELCAC noong Setyembre 2023 na ang mga aktibista ay sumuko sa mga militar.
Npag-alaman na sina Castro at Tamano ay mga volunteers sa Alyansa para sa Pagtatanggol sa Kabuhayan, Paninirahan, at Kalikasan ng Manila Bay (AKAP KA Manila Bay).
Kamakailan, pinayagan ng Supreme Court (SC) ang kanilang writs of amparo and habeas data, kasama ang temporary protection order (TPO).
Sinabi ng SC na napatunayan nilang may sapat na ebidensiya para suportahan ang petisyon ng mga aktibista.