Latest News

PAGDAWIT SA FEMALE JUNIOR NAVY OFFICER BILANG INCORPORATOR NG 193 POGO, PINABULAANAN

By: Victor Baldemor Ruiz

AGAD na naglabas ng pahayag ang pamunuan ng Philippine Navy ukol sa ginagawang imbestigasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator sa Senado, matapos na madiskubre umano na si Navy Lt Jesse Mendoza, na isa ring law graduate, ay incorporator o director diumano ng 193 POGO companies na halos lahat ay may “foreign-sounding names.”

Ang naturang pahayag ay ginawa ni Philippine Navy Public Affairs Director Commander John Percie Alcos kasunod ng inilabas na impormasyon kung saan dawit umano si Junior Officer Lieutenant Jessa Mendoza bilang incorporator ng ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Layon nito na malinis ang pangalan ng female junior officer na umano’y biktima lamang ng “identity theft”, gaya ng nadiskubre kamakailan na ilang simpleng tao, mga tindera o mangingisda ay lumilitaw na mga incorporators din ng mga POGO hubs


“I assert that I have no involvement in any business venture and that the only source of income is my job as a devoted member of the Armed Forces of the Philippines, which I have committed 14 years of my life in serving my country with courage, integrity and loyalty,” pahayag ni Lt Mendoza sa Senate inquiry.

Ayon kay Commander Alcos, nagsagawa na rin ang kanilang hanay ng internal inquiry kasama si Lt. Mendoza na layuning mabigyang-linaw ang mga paratang na ito at kung paano nadawit ang kanyang pangalan sa naturang usapin.


Sinabi ni Alcos na handang tumestigo ang Philippine Navy sa walang bahid na record ni Lt. Mendoza sa kanyang isang dekadang serbisyo sa Philippine Navy.

Muli namang pinaalalahanan ni Alcos ang lahat ng mga tauhan ng Philippine Navy at mga mamamayan na magsagawa ng kaukulang pag-iingat sa kanilang online activity upang hindi mabiktima ng “identity fraud”.


Tags: Philippine Navy Public Affairs Director Commander John Percie Alcos

You May Also Like

Most Read