Latest News

Pagdakdak sa media ng legal team ni Teves, pinuna

By: Jantzen Alvin

Pinahihinto ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon ang legal team na kumakatawan kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. sa pagrereklamo sa media kaugnay sa desisyon ng Manila Regional Trial Court na mag-isyu ng warrant of arrest laban kay Teves at iba pa.

“If the accused feels aggrieved by the resolution, there are legal avenues available to them. However, making threats to the panel of prosecutors and voicing grievances through the media are not among those options,”ayon kay Fadullon.

Matatandaang ang Manila Regional Trial Court ay nag-isyu ng arrest warrant kay Teves kaugnay sa pagkamatay ni provincial governor Roel Degamo at ilang sibilyan.

Napag-alaman na inilabas ni Presiding Judge Merianthe Pacita Zuraek of Branch 51 ang ruling nang tanggapin ang amended criminal charges matapos na makakita ng probable cause ang Department of Justice (DOJ) laban sa respondents.

Itinakda ang arraignment at pre-trial conference sa Oktubre 4, 2023 ganap na ala-1:30 ng hapon.

Sinabi rin ni Fadullon dapat na busisiin mabuti ang kredibilidad ng mga testigo.na.nag-recant ng kanilang testimonya.

“Any reputable attorney should understand that recantations impact the witness’s credibility and should be assessed by the trial court during a comprehensive trial,” ayon kay Fadullon.

Idinagdag pa ni Fadullon na iresponsable ang claim na ang DOJ ay minamanipula para mag-prosecute ng indibiduwal sa interes ng isang partido.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read