PAGBUBUKAS NG 738 ESKWELAHANG APEKTADO NG BAGYO AT HABAGAT, IPINAGPALIBAM NG DEPED

By: ARIANNE JAYMEL

INIATAS ng Department of Education na umaabot sa 783 na paaralan ang nakatakdang ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 sa Hulyo 29 dahil sa epektong dulot ng Supertyphoon Carina at Habagat.


Ayon sa pinakahuling partial report ng DepEd, mula sa nasabing bilang ay nasa 442 paaralan ang nasa Central Luzon, 206 ang nasa National Capital Region (NCR), 86 ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), at apat sa Cotabato.

Nag-anunsyo rin ang lokal na pamahalaan ng Marikina at Valenzuela na ipagpapaliban ang school opening ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa kanilang siyudad sa Hulyo 29, at sa halip ay itinakda ito sa Agosto 5.

Sa kabuuan ay umabot sa 12,866 paaralan ang naapektuhan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Eastern Visayas.


Samantala, hinimok naman ni Education Secretary Sonny Angara ang mga hindi apektadong paaralan na ituloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

“Kaya gusto man ng iba na i-postpone talaga nang malawakan, we cannot do it. Kasi alam natin, what if next week may tumama na naman typhoon, pinostpone natin. So iyong may kaya sana pumasok na sila because the learning loss is very real,” ani Angara, at tiniyak din niro ang pagpapatupad ng makeup classes sa mga paaralang hindi magbubukas sa itinakdang school opening,


Batay sa Department of Budget and Management (DBM), ang DepEd ay mayroong P3.2 bilyong Quick Response Fund (QRF) at National Indemnity Insurance Program (NIIP) para sa 132,862 school buildings na maaaring gamitin para sa pagkukumpuni ng mga paaralang nasira ng kalamidad.#


Tags: Department of Education (DepEd)

You May Also Like