Latest News

PAGBIYAHE NG MGA SASAKYANG PANDAGAT SA SOUTHERN LEYTE, SINUSPINDE NG PCG

By: Baby Cuevas

Dahil sa Tropical depression Aghon, sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpalaot ng lahat ng sasakyang pandagat sa Southern Leyte, Eastern Samar, Samar at Northern Samar.

Ayon sa inilabas na ”notice to mariners” ni CG Ens Eduard Gleen Dolerio, Coast Guard station commamder ng Southern Leyte, ang pansamantalang suspensiyon sa pagpalaot ng lahat ng sasakyang pandagat ay batay naman sa inilabas na Topical Cyclone Bulletin no. 2 na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) na nagtaas kay Aghton sa tropical cyclone warning.

Ayon sa PCG, ito ay upang naiwasan ang anumang aksidente sa karagatan dahil sa tropical depression Aghon.

Pinaalalahanan rin ng PCG ang lahat ng sasakyang pandagat na gumawa ng precautionary measures para maiwasan ang anumang aberya at muli umanong magpapalabas ng abiso ang PCG kung papayagan na ang pagpalaot ng mga sasakyang- pandagat sa sandaling umayos na ang kondisyon ng panahon.

Anang PCG, papayagan ang mga barko na gustong umangkla sa mga daungan subalit kailangan ay gumawa sila ng ‘written request’ sa PCG.

Tags:

You May Also Like

Most Read