Latest News

PAGBISITA NI US VICE PRESIDENT KAMALA HARRIS SA PALAWAN

NANINIWALA si Department of National Defense (DND) spokesman Arsenio Andolong, na walang magiging problema sa West Philippine issues ang gagawing pagbisita ni United State Vice President Kamala Harris sa Palawan.

Ayon kay Director Andolong , ang pagbisita ni VP Harris sa Palawan ay hindi lilikha ng animosity o papaypayan pa ang mainit na usapin hinggil sa territorial dispute sa west Philippine Sea.


“In my opinion, hindi naman kasi we have always had visiting dignitaries from the United States who come over anyway from time to time, we don’t see this anything different from that ano, saka ang pupuntahan naman nya ay yung mga residente at saka yung Coast Guard which are basically civilians ano, civilian agency yung Philippine Coast Guard so wala naman kaming nakikita na problema dun,” ani Andolong.

Sa inilabas na initial information ng US State Department , planong bisitahin ni Kamala Harris ang mga residente at mangingisda sa Palawan at maging ang Philippine Coast Guard .

Walang inihayag na engagement sa AFP o kaya sa DND ang naturang pagbisita ni Harris sa Palawan na maituturing na makasaysayan dahil ito pa lamang ang pinakamataas na opisyal ng Amerika na bibisita sa isla.


Nilinaw pa ng taga pagsalita na wala silang first hand knowledge sa objective ni Harris at sa mission nito sa pagbisita sa Pilipinas particular sa Palawan .

Sinasabing maituturing umanong pagpapakita ng malakas na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ang nakatakdang pagbisita sa bansa sa darating na Linggo ni US Vice President Kamala Harris.


Ang pagdalaw sa bansa ng isang high-ranking US official ay paghahayag ng matatag na alyansa at strategic partnership ng dalawang bansa, ayon sa isang mambabatas.

Samantala sa ginawang paghimay ng isang senador ang pagbisita sa lalawigan ni Harris ay pagpapakita ng commitment ng US na makiisa at magbigay suporta sa gobyerno ng Pilipinas sa pagpapairal ng ‘rule of law’ at ‘maritime law’.


Sa November 20 hanggang November 22 ang petsa ng pagbisita ni Harris sa bansa kung saan magkakaroon muna ito ng hiwalay na bilateral meetings kay Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte at saka ito lilipad papuntang Palawan. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: United State Vice President Kamala Harris

You May Also Like

Most Read