PAGBIBITIW NI DND SEC. GIBO TEODORO, FAKE NEWS

By: Victor Baldemor Ruiz

MISMONG si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na ang nagdeklara kahapon na ‘fake news’ umano ang kumakalat na balita sa social media na tuluyan nang nagbitiw sa kanyang gabinete si Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro.

Ayon sa inilabas na statement ni DND Public Affair Service chief Director Arsenio Andolong, “ There is no truth to the rumor perpetrated by certain sectors online about the supposed resignation of Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr. We call on those who purposely propagate unfounded lies to be circumspect and refrain from spreading misinformation and disinformation.”


Si Teodoro at ang kagawaran mismo ay nakatutok sa pagpapalakas ng kapasidad ng Pilipinas na ma- protektahan ang soberanya at territorial integrity ng bansa, ani Andolong.

“We urge the public to be vigilant against misleading claims that aim to sow discord among the Filipino people and divert our attention from the real challenges that beset our country,” pahayag nito.

Kahapon ay mariing itinanggi ni Pangulong Marcos ang lumabas na balitang binitawan ni Teodoro ang kanyang defense portfolio at iginiit na ‘fake news’ ito at desperado na aniya ang nag-imbento nito para lamang gumawa ng gulo.


Sa katunayan aniya ay tinawagan niya si Sec. Teodoro, at tinanong kung magbibitiw na ba ito sa pwesto.

Panawagan naman ng Pangulo sa publiko na huwag basta maniwala sa mga tsismis lalo’t kung walang pruweba.


Kung may pagbabago man umano sa gabinete ay sila mismo ang mag-aanunsyo nito at hindi kung sinu-sino lamang.


Tags: Jr., Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro

You May Also Like

Most Read