Latest News

PAGBIBIGAY NG 2ND BOOSTER ILALARGA NA SA SUSUNOD NA LINGGO

UUMPISAHAN na ng pamahalaan ang pagtuturok ng ikalawang booster shot sa ‘vulnerable sectors’ sa susunod na linggo at ito umano ay agad na ipatutupad sa buong bansa.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na wala nang magaganap na ‘pilot testing’ at agad na itong ilalarga sa buong bansa target ang mga ‘senior citizens’, ‘immunocompromised’ o iyong may problema sa kalusugan, at health workers.

“No more NCR phase 1. We would like to roll it out nationwide immediately on Monday after we have discussed the guidelines with our implementors,” paahayg ni Cabotaje, siya ring chairperson ng National Vaccination Operations Center (NVOC).


Nakatakda sanang umpisahan na ngayong linggo ang pagbabakuna sa 2nd booster ngunit naantala ito dahil sa kailangan pa munang klaruhin ang ibang mga isyu.

Kabilang dito ang ‘age group’ na unang isasalang at ang klasipikasyon sa mga ‘immunocompromised sector’. May rekomendasyon rin na ‘interval period’ na tatlo hanggang apat na buwan sa una at ikalawang booster shot.

Sinusugan rin ni Cabotaje ang rekomendasyon ng ‘vaccine expert panel’ na gumamit ng ibang brand ng bakuna sa ikalawang booster shot para mas maging epektibo kontra sa COVID-19.

“A different brand will be more effective because it tries to give additional protection outside of the regular or the homologous primary booster,” ayon sa opisyal.


Kung ang COVID-19 naman umano ay magiging katulad na lamang ng trangkaso, tinitingnan ng pamahalaan na gawin isang beses kada taon ang pagpapabakuna ng booster shot. (Anthony Quindoy)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read