PAGBAWI NI TRUMP SA GRANTS AT LOANS, ME EPEKTO — CARITAS

By: Carl Angelo

Apektado umano ang Simbahan sa ginawang pagbawi ni United States President Donald Trump sa federal grants at loans.

Inihayag ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na P35 milyong pondo ang mawawala sa Caritas Philippines dahil kabilang ang Pilipinas, bukod sa mga underdeveloped countries, na apektado ng kautusan ni Trump.


Ang 35 milyong piso ay ginagamit ng Caritas sa mga programa sa mahihirap at tulong sa mga naaapektuhan ng sakuna.

Ayon sa Obispo, ang US- Agency for International Development (USAID) ay ang katuwang ng Catholic Relief Service-ang social arm ng United States Conference of Catholic Bishops (USCCB), habang ang CRS naman ay ang katuwang ng Caritas Philippines sa mga ilang mga proyekto ng simbahan sa Pilipinas.

Gayunman,naniniwala si Bishop Bagaforo na ito ay isang ‘eye-opener’ para sa lahat na hindi dapat laging umasa mula sa tulong ng ibang bansa.


“Isa rin itong ey- opener sa ating lahat, more and more I think we should be able to support our own programs. Kaya naman natin, lalo pa naming inii-strengthen, lalo pa kaming nagmamasigasig na i-promote at palawakin ang Alay Kapwa na expanded program. Yun kasi ang at-present na tumutulong sa maraming proyekto ng Caritas Philippines, yung ating Alay Kapwa Expanded Program,” ayon kay Bishop Bagaforo.


Tags: United States President Donald Trump

You May Also Like