WALA umanong epekto sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga na nakasampa sa Muntinlupa Regional Trial Court laban sa naka detineng Senador Leila de Lima, ang ginawang pagbawi ng self-confessed druglord Kerwin Espinosa sa kanyang testimonya.
Ipinaliwanag ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, ng National Prosecutor Service(NPS) na hindi kasama si Espinosa sa lisatahan ng mga testigo ng prosekusyon laban kay De Lima.
” Hindi ginamit ang kanyang testimonya walang silbi , kaya never na ikinu-consider ang testimonya ni Espinosa sa Senado,”ayon kay Malcontento sa panayan ng radyo.
Sa pananw ni Malcontento, posible umaning depensa lamang ni Espinosa sa iba pa niyang kaso sa Department of Justice(DOJ) at husgado.
” Yung timing ng motibo…iiwanan namin yan sa mga taga pakinig baka nagalit siya dahil sa court order sa Taguig na doon siya mailipat,” ani pa Malcontento.
Sinabi pa ni Malcontento kaugnay sa estado ng dalawang kaao ni De Lima sa korte na deny umano ang inihain nitong.motion to dismiss o demurrer to evidence.
Gayundin ang motion to bail na isinampa ng kampo ng Senador.
Nangangahulugan umano na malakas ang kaao ng prosekusyon laban sa Senadora.
Sinabi ni Malcontento na hahayaan na lamang nila magdesiayon ang husgado sa kaso ni de Lima.














