Pagbasura sa kaso ng mga pulis sa “Bloody Sunday”, iniapela sa DOJ

By: JANTZEN ALVIN

Naghain ng apela sa Department of Justice (DOJ) ang ina ng napaslang na “fisherfolk couple” sa ginanap na operasyon ng pulis at militar sa Calabarzon noong Marso 7, 2021 na tinaguriang “Bloody Sunday,” matapos ang ginawang pagbasura sa kaso ng 17 police officers na isinangkot sa madugong operasyon.


Napag-alamang umapela kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pamamagitan ng petition for review si Rosenda Lemita, na nagreklamo para sa kanyang manugang na si Ariel Evangelista at anak na si Ana Marie.

Ito ay suportado ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL).

Kamakailan ay nanindigan ang government prosecutors sa pagtanggi sa inihain na motion for reconsideration ni Lemita dahil sa kakulangan ng merito.


Ayon sa resolusyon na may petsang Mayo 29,2023, walang sapat na ebidensiya para baligtarin ang naunang resolusyon na nagbasura sa kaso ng mga pulis.

Sa orihinal na resolution, nadiskubre ng prosecutors na ang ginamit na armas sa pagpaslang sa mga biktima ay hindi nagtugma sa mga baril ng mga sumalakay na pulis.


Kabilang sa mga naabsuwelto sa dalawang counts ng murder sina
MLt. Col. Joseph Tan Nandu Jr., Lt. Arjay Mansalapuz Santos, MSgs. Rafael N. Roque and Mark T. Tolentino, Ssgs. Elvern D. Cacatian, Rodel A. Sillacay, at Edgar B. Brinas, Cpls. Aldrin E. Gabrillo and Allen S. Lugue, and Patrolmans Julio Bautista, Ray Boom Boom D. Dalingay, Grizzly O. Paras, Rogelio M. Ninolla, Ruel M. Tenoso, Rich John Melniel L. Tumacder, Renzo B. Santos, at Mark Lester R. Padul na bahagi ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 4-A.

Sina Evangelista at Ana Mariz ay pawang mga human rights defenders at prominenteng lider ng progresibong ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like