Itinanggi ng Arsobispo ng Cebu ang kumakalat na ‘ video promotion’ kaugnay sa pagbabasbas ng imahe ng nakahubad na Santo Niño.
Ayon sa nakalap na impormasyon ni Archbishop Jose Palma,isang self-proclaimed priest ang nag- promote sa social media ng nakahubad na imahe ng Sto.Niño bilang umano’y lucky charm.
Ayon kay Archbishop Palma,wala umanong katotohanan ang sinasabi sa naturang video promotion.
Nanindigan ang Arsobispo na ang imahe lamang ng Sto.Niño ang sinusuportahan ng Archdiocese gaya ng isa na nasa Basilica Minore del Sto. Nino mula sa Cebu.
“I did not sell anything naked Snr. Sto. Nino, what he said is not true, [I do not condemn naked Snr. Sto. Nino, what he said (in the video promotion) is not true],” bahagi ng pahayag ni Archbishop Palma.
Pinaalalahanan ng Basilica Minore del Sto. Nino mula sa Cebu ang.mga deboto na isa lamang ang official facebook page ng shrine.
“Any other Facebook pages bearing the name of the Basilica is not in any way connected to the institution. We would like to remind all the faithful to be mindful and careful of these pseudo accounts,” ayon sa Basilica.
Nanawagan si Archbishop Palma na i-report ang pekeng FB accounts na ipinangalan sa Basilica para maiwasan na ma- scam.
Sinabi pa Archbishop Palma na ang sagradong imahe ng Sto. Nino de la Suerte ay tumutulong para mapalawak ang pananatili at relasyon hindi bilang pampasuwerte.














