NANINIWALA ang OCTA Research Group na babagsak sa mas mababa sa 200 ang maitatalang bagong kaso ng COVID19 bago matapos ang buwan ng Pebrero sa National Capital Region(NCR).
“For Metro Manila, we’re hoping that it would be down to around 200,” ayon kay OCTA Research fellow Guido David.
Idinagdag ni David na ang naturang bilang ay bahagi ng kanilang pagtaya bago pa ang Omicron surge sa 1,000 bagong kaso kada araw nationwide bago matapos ng buwan ng Pebrero.
Nabatid na base umano sa Department of Jealth (DOH) COVID 19 tracker, ang NCR ay nakapagtaya ng 632 bagong impeksiyon nitong Pebrero 16 .
“With mostly fresh cases, this feels like a Valentine spike. The figure shows that it is above the Jan. 24 projections. Let’s continue to practice health protocols. he virus is still here,” Tweet ni David.
Gayunman,sinabi ng OCTA ba inaasahan nila na bababa pa sa 5% ang positivity rate sa Marso 1 kung saan bumaba nanitonsa 6.6%.
Umaasa rin si David na magpapatuloy ang downtrend ng infection at maaring ilagay na sa Alert level 1 sa Marso. (Philip Reyes)